JRU Heavy Bombers kulang sa taas pero...
July 3, 2001 | 12:00am
Gaya ng nakaraang taon, kulang pa rin ang Jose Rizal University sa kinakailangan nilang taas, ngunit kumpiyansa pa rin si coach Boy de Vera na ang kanilang bilis at karanasan ang siyang magdadala sa kanila sa Final Four sa pagbubukas ng 77th National Collegiate Athletic Association basketball sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.
Buo pa rin ang dating mandirigma ni De Vera na sina Ariel Capus, Rendell dela Rea at Ernani Epondulan--na hinaluan ng tatlong iba pang mahuhusay na seniors na sina Nathaniel Gregorio, Victorino Lazaro III at point guard John Dale Valena na siyang magiging solidong core.
Nagpakita rin ng malaking improvement ang gaya nina Joel Villarin, Marci Polo Fajardo at McDonald Santos sa nakaraang off-season kasama ang mga defense specialist na sina Joel Finuliar, Wyne John Te at Ryan Jeffrey Tiu--na magbibigay kay de Vera ng magandang kumbinasyon.
Maging ang mga rookies na sina Efren Espiritu, Hansel Tan at Raymundo Jorge ay nagpakita rin ng karakter at malaking puso na siyang kilala sa Heavy Bombers.
At umaasa rin ang Heavy Bombers na matitighaw na ang kanilang 29-taong pagkauhaw sa titulo.
"Medyo confident ako sa team this year dahil malaki ang pinagbago nung mga players, lalo na yung mga sophomores kaya makakapagpahinga na sina Epondulan, dela Rea at Capus," unang pahayag ni de Vera.
"Pinag-weights ko sila for endurance, lalo na sa banggaan. Wala pa rin kaming malaki, pero mas mahaba ang pisi ng endurance at patience nila this year," dagdag pa ni de Vera.
Winalis ng JRU ang first round elimination noong nakaraang taon. Sinabi ni de Vera na maagang nag-peak ang kanyang tropa at nabigo ito sa Final Four sa San Sebastian.
"Mahirap i-assess kung anong nangyari sa amin last year. Siguro nga, nag-peak kami ng maaga. But then I should still give credits to the boys because they all worked hard," paliwanag ni De Vera.
"Hopefully, things will be much better this season. maganda naman ang pinakita nila sa off-season tournaments na sinalihan namin at nakadagdag din ito sa maturity ng team," dagdag pa ni De Vera.
Kinukunsidera ni De Vera na mahigpit na karibal ang St. Benilde, San Sebastian at Perpetual Help para sa korona. Gayunman, naka-handa ang Heavy Bombers na harapin ang kanilang hamon.
"Handa na kami. Ini-expect kong babantayan kami ng husto, pero mataas ang morale ng mga bata, lalo na yung mga seniors na talagang pupukpok lalo this year. Well take it one game at a time at sana ngay makamit na namin ang korona after 29 years," pagtatapos ni De Vera.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended