July editon ng Execitive Chess Days sisimulan na
July 3, 2001 | 12:00am
Iho-host ng Philippine Chess Society (PCS) sa kooperasyon ng Valucare ang July edition ng Executive Chess Days (ECD) sa Grandmasters Cafe, 71 Timog Avenue, Quezon City sa Sabado (July 7), ala-una ng hapon.
Ang naturang 6-Round Swiss System affair na may 30 minutong time control kada manlalaro sa bawat round ay bukas para sa lahat ng manlalaro kung saan ang magkakampeon ay mag-uuwi ng P4,000 at eleganteng crafted glass trophy. Pagkakalooban din ng mga premyo ang mula sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.
Ang entry fee dito ay P500 na kinabibilangan ng snacks at bulletin.
Inaasahang magpapamalas ng kani-kanilang talento ang dentistang si Jenny Mayor, engineer Elpidio Jayagan, beteranong chesser na si Rey Miguel, Serg Philippines’ Gary Legaspi, auditor Ricky Navalta at businessman Jess Torre.
Dalawang papel ang aaktuhan ni chess organizer Willie Abalos bilang tournament director at chief arbiter.
Para sa iba pang detalye, maaaring tumawag ang mga interesadong partido kay Woman International Master Cristine Rose Mariano at Nora Managuelod sa 9293583.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest