Navy, Airforce namayani
July 2, 2001 | 12:00am
Kapwa pinayukod ng Navy at Air Force ang kanilang kalaban sa magkahiwalay na laro upang itala ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng 12th season ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) Presidential Cup tournament sa Rizal ballpark.
Sumandig ang Sea Dragons, magtatangka ng kanilang ikalimang korona ngayong taon sa mahusay na pitching ng magkapatid na Joel at Orlando Binarao upang igupo ang dating UAAP champion Adamson U, 9-2 at manguna sa Group A.
Sa isa pang laro, binokya naman ng Airmen ang La Salle 10-0 para upuan ang liderato sa Group B.
Ang panalo ay nagpuwersa sa Navy at Air Force na ma-sweep ang kani-kanilang division at iseguro ang kanilang puwesto para sa cross-over semifinals at posibleng muling paghaharap para sa best-of-five title showdown.
Muling pinatunayan ng Navy ang kanilang malawak na karanasan ang siyang mabisang sandata para talunin ang Falcons na umasa sa bagitong pitchers na sina Eric Francisco at reliever na si Peter Paul Dimal.
Kumana si Sandy Ladisla ng three-run double sa eksplosibong run, habang nagtala naman ang kanyang teammates na si Binarao ng run single at triple, ayon sa pagkakasunod para sa kanilang panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended