^

PSN Palaro

Milo Marathon tutungo sa Davao City

-
Handa na ang lahat para sa Adidas-backed Milo Marathon regional run sa Hulyo 8 sa Davao City.

Mahigit 1,500 runners ng lahat ng edad na karamihan ay kabataan ang inaasahang lalahok sa local race na inorganisa ni Vic Sai sa karerang mag-sisimula sa eksaktong alas-6:00 ng umaga.

Ang una sa 11 out-of-town regional qualifying runs na magdadala sa lahat ng pinakamahuhusay na runners sa Milo national finals sa Disyembre sa Manila, kung saan sina defending champions Noel Bautista at Juvy Madredia ay inaasahang magtatanggol sa kani-kanilang mga titulo bilang local champions. Si Davao City vice-mayor Luis Bonguyan at Atty. Jesus Dureza, Presidential Assistant for Mindanao ay inimbitahan para maging panauhin sa karera sa naturang karera.

Ang pagpaparehistro para sa Davao City run ay magtatapos sa Huwebes, Hulyo 4.

"After this Davao run, we will be holding the other Milo regional races practically every two weeks with the next one set in Naga City on July 22," ani national race organizer Rudy Biscocho.

Nakatakdang magsimula at magtapos sa Rizal Park ng naturang lungsod na katatampukan din ng 3K at 5K fun run bukod sa 10K qualifying run kung saan ang top 3 male at female finishers ay makakasama sa finals.

vuukle comment

DAVAO CITY

HULYO

JESUS DUREZA

JUVY MADREDIA

LUIS BONGUYAN

MILO MARATHON

NAGA CITY

NOEL BAUTISTA

PRESIDENTIAL ASSISTANT

RIZAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with