Inaasahang matinding opensa ang ilalabas ng Slashers sa kanilang nakatakdang alas-5:30 ng hapong banatan ng Lakers upang makabawi mula sa kanilang 105-101 pagkatalo sa mga kamay ng Davao Eagles noong Biyernes na dahilan upang malaglag sila sa ikalawang puwesto sanhi ng 5-2 win-loss slate.
Ngunit tiyak na mahigpit na hamon ang susuungin ng Negros, dahil sa inilalaro ngayon ng Lakers mas higit na mataas ang kanilang kumpiyansa matapos na maitala ang dalawang sunod na panalo na ang huli ay sa mga kamay ng Cebu Lhuillier, 100-95.
Muling sasandigan ni coach Bonnie Garcia ang mga balikat nina Jeffrey Flowers, Chris Clay, Richard Melencio at Biboy Simon upang mapaganda ang kartada ng Laguna na nasa ikalimang puwesto sanhi ng 2-2 record.
Nauna rito, Maghaharap naman ang Davao at Socsargen sa unang laro dakong alas-3 ng hapon.
Siguradong hahataw ng todo ang Socsargen upang makaahon na mula sa kanilang kulelat na katayuan bunga ng 0-6 karta.
Ngunit hindi ito madaling gawin para sa Marlins dahil nais rin ng Eagles na masundan ang kanilang unang panalo sa anim na laro kung kayat siguradong makikipagsabayan sila sa opensa.