^

PSN Palaro

Ikalawang sunod na panalo asam ng Navy at Airforce

-
Ikalawang sunod na panalo ang tangka ngayon ng defending champion Navy at opening day winner Air Force sa pagbabalik ng aksiyon sa 12th PABA Presidential Cup tournament sa Rizal ballpark.

Makakaharap ng Sea Dragons, asam ang kanilang ikalimang titulo sa tournament na ito ang dating UAAP titlist Adamson sa Group A sa alas-12 ng tanghali.

Muling paborito ang Navy na maitala ang kanilang ikalawang dikit na panalo matapos ang 6-3 panalo kontra sa nine-time champion Philab noong nakaraang Sabado.

Tangka ng Airmen na masundan ang kanilang 11-1 panalo kontra sa PABA senior reigning titlist Army noong nakaraang Sabado sa kanilang pagsasagupa ng isa pang UAAP squad La Salle sa alas-2:30 ng hapon.

Samantala, kinansela ang nag-iisang laban sa 18-under (AAA) sa pagitan ng Tot Baseball Selection at Tanawan matapos na umatras ang una sanhi ng kanilang kumplikadong schedules kung saan bumababa sa anim na koponan na lamang ang kasali.

vuukle comment

ADAMSON

AIR FORCE

GROUP A

IKALAWANG

LA SALLE

MAKAKAHARAP

PHILAB

PRESIDENTIAL CUP

SABADO

TOT BASEBALL SELECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with