May bagong alituntuning teknikal sa UAAP

Habang papalapit na ang pagbubukas ng 64th season ng UAAP sa darating na Hulyo 14 sa Araneta Coliseum, bagong bihis ang masisilayan ng mga basketball afficionados sa liga bunga ng pag-i-implementa ng mga bagong alituntunin upang mas higit na maging interesado at kasiya-siya ang mga labanan.

Bukod sa pagdaragdag ng ikatlong referee sa bawat laro sa juniors, seniors at women’s divisions, ito ay lalaruin na sa apat na 10-minuto bawat quarters sa halip na dating hinating 20-minuto.

Ang oras para sa pagdadala ng bola sa back-court mula sa frontcourt ay kanila ring ibinaba sa walong segundo mula sa 10 segundo upang mas higit na mapabilis ang laro at makagamayan ang FIBA rules.

Nakatakdang dumating sa Hulyo 1 si Darrel Garretson, dating referee at supervisor ng mga opisyal ng NBA sa nakalipas na 27 taon upang tumulong sa pangangasiwa ng mga nasabing implementasyon ng mga bagong alituntunin sa pakikipagtambal sa Asian basketball Academy (Phils.), na itinalagang tournament director ng UAAP Board.

Show comments