P 2.2 M RP Chess Grand Prix
June 28, 2001 | 12:00am
Nakatakda ang final na pagsusumite ng mga entries para sa P2.2 milyon Glutaphos Philippine Chess Grand Prix sa Hulyo 1.
Ito ay maagang itinakda ng organizing committee upang maisaayos ang ranking at seeding ng mga players maging ang kani-kanilang mga hotel room assignments at accommodations at transportasyon ng mga kalahok kasama ang kanilang mga opisyal.
Ang mga lahok ay puwedeng isumite sa PCF office, 301 Campos Rueda Bldg., Makati na may tel. nos. 8447481 o kaya ay sa pamamagitan ng DILG regional, provincial at city directors sa 16 rehiyon sa bansa.
Nakataya sa chessfest na ito na hatid ng Pascual Laboratories, Inc., tagagawa ng brain vitamin Glutaphos ang premyo na P1,000,000.00 sa grand champion ito ay may suporta rin mula sa Department of Interior and Local Government.
Nakatakdang gumulong ang chessfest na ito sa Hulyo 7 sa Sugarland Hotel sa Bacolod City at bukas ito sa lahat ng chessplayers na ibig na katawanin ang kani-kanilang mga probinsiya, bayan at siyudad. Puwede ring magpadala ng kanilang sariling lahok ang government at private entities, AFP at PNP, colleges at universities. Inaanyayahan din ang mga Filipino chessers mula sa ibang bansa na sumali rito.
Bukod sa jackpot prize na P1 milyon, tatanggap rin ang runner-up ng P144,000 at P72,000 sa 3rd at 4th placers, habang ang fifht hanggang eight placers ay pagkakalooban ng P36,000.
Pagkakalooban din ang 9th hanggang 16th placers ng tig-P18,000 at ang Round 1 losers ay tatagangap ng P3,000, round 2 losers P6,000 at round 3 losers P9,000. Lahat ng kalahok ay mag-uuwi ng premyo talunan o panalo at ubra rin silang sumali para sa side event ang open tournament na inorganisa ng host Bacolod chess federation.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am