"Di ko alam kung pa-ano kami nanalo," bungad ni coach Chot Reyes sa kanyang post game interview matapos itala ng Panthers ang ikatlong panalo sa 6 laro. "We shot poorly lalo na sa first quarter where we had 3-of-18 field goal shooting, but I think the key is just finding the right people to step up."
Nabaon ng 12 puntos sa first half, unti-unting nakabangon ang Pop Cola at iposte ang kanilang 9 puntos na kalamangan, 78-69 sa ikaapat na quarter matapos ang 13-7 run sa pangunguna ni import Jason Sasser.
Ngunit sa tulong ni Ward na namuno sa 8-0 run, nakalapit ang Phone Pals sa 77-78, gayunman, nagmintis naman ang Kano sa huling mahahalagang tres na sana ay nagsalba sa Mobiline upang makaiwas sa kani-ang ikalawang sunod na talo sapul ng magbalik si Paul Asi Taulava at ikatlo sa 5 laro.
Nagkaroon pa ng tsansa ang Mobiline na agawin ang panalo nang umiskor ng undergoal stab si Taulava na naglapit ng iskor sa 79-81 at umiskor lamang ng split shot si Sasser mula sa foul ni Taulava, 7 segundo ang natirang oras sa huling posesyon ng Phone Pals.
Nagunit sumablay ang tangkang tres ni Patrick Fran na siyang tuluyang nagkait sa Mobiline ng tagumpay.
Samantala, magbabalik naman si Alfrancis Chua, ang pinalitang coach ng Tanduay Gold Rhum ni Dereck Pumaren, sa PBA at hindi sa Rhummasters kundi sa Sta. Lucia Realty.
Bukod sa kanilang pinagsamahan ni Norman Black, ang dating coach ng Pop Cola kung saan naging assistant nito si Chua muli silang magsasama bilang consultant ng Realtors.