UST jins nanalasa

Dinomina ng University of Santo Tomas jins sa pangunguna ng nakababatang kapatid ng Olympian na si Jasmin Strachan ang katatapos lamang na 2001 Milo all-Women‘s taekwondo championships sa Ninoy Aquino Stadium.

Tinalo ni Josephine Strachan ang teammate na si Bernadette Rozon upang maibulsa ang ginto sa light-welter at middle/heavy category ng senior division.

Ang iba pang gold medalists ng UST ay sina finweight Nancy Remollena na nanaig sa kanyang ka-teammate na si Mary Joanne Catalan; flyweight Mary Dirolyn Papelera na tumalo kay Ivy Alindogan ng Powerflex at bantamweight Grace Brioso na nakaungos sa kalabang si Merlita Tasic ng Strikezone.

Tanging ang feather-wieght na si Mary Antoninette Rivero ng St. Paul (Pasig) ang hindi UST-bet na nanalo ng ginto nang kanyang igupo si Ernalin Bumaglag ng Ilocos Norte sa finals.

Show comments