^

PSN Palaro

Villaver nanalo sa Rexona Fiesta Bisekleta Challenge

-
TACLOBAN CITY-Napagwagian ng di-gaanong kilalang siklista na si Robert Villaver ang huling event ng Rexona Fiesta Bisekleta Challenge event noong Linggo dito sa Tacloban City.

Tinapos ng 20-anyos na si Villaver, tubong Cebu, ang 152 kms. na karera na nagsimula sa Tacloban at nagtapos sa Abuyog, Leyte sa tiyempong tatlong oras, 58 minutos at 46 segundo.

"Talagang sinikap kong manalo sa karerang ito upang makasama ko ang buong team para lumaro sa Rexona Tour of Luzon sa Disyembre," ani Villaver.

Pumangalawa sa karera si Ronald Navarro na may oras na 4:07.27 at pumangatlo si Jecky Barantes na may 4:11:23.

Naibulsa naman ni Alvin Benosa, isang siklista mula sa Bicol Region, ang Rexona Summit Prize na nakalagay sa San Juanico bridge, habang nahirang naman si Jecky Barantes ng Tacloban na Most Aggressive cyclist of the race.

Apat katao na binubuo nina Barantes, Navarro, Villaver at Jun Prades ang matagumpay na kumawala sa pagitan ng mga bayan ng Tanauan at Tolosa, ang kinatatayuan ng anchestral home ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Tumanggap si Villaver ng cash prize na P5,000 para sa individual at P6,000 para sa team prize.

vuukle comment

ALVIN BENOSA

BICOL REGION

JECKY BARANTES

JUN PRADES

MOST AGGRESSIVE

REXONA FIESTA BISEKLETA CHALLENGE

REXONA SUMMIT PRIZE

REXONA TOUR OF LUZON

ROBERT VILLAVER

RONALD NAVARRO

VILLAVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with