Tinapos ng 20-anyos na si Villaver, tubong Cebu, ang 152 kms. na karera na nagsimula sa Tacloban at nagtapos sa Abuyog, Leyte sa tiyempong tatlong oras, 58 minutos at 46 segundo.
"Talagang sinikap kong manalo sa karerang ito upang makasama ko ang buong team para lumaro sa Rexona Tour of Luzon sa Disyembre," ani Villaver.
Pumangalawa sa karera si Ronald Navarro na may oras na 4:07.27 at pumangatlo si Jecky Barantes na may 4:11:23.
Naibulsa naman ni Alvin Benosa, isang siklista mula sa Bicol Region, ang Rexona Summit Prize na nakalagay sa San Juanico bridge, habang nahirang naman si Jecky Barantes ng Tacloban na Most Aggressive cyclist of the race.
Apat katao na binubuo nina Barantes, Navarro, Villaver at Jun Prades ang matagumpay na kumawala sa pagitan ng mga bayan ng Tanauan at Tolosa, ang kinatatayuan ng anchestral home ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Tumanggap si Villaver ng cash prize na P5,000 para sa individual at P6,000 para sa team prize.