Tuñacao nais tularan si Pacquiao
June 26, 2001 | 12:00am
Nais ni Malcolm Tuñacao na sundan ang yapak ni Manny Pacquiao, ang katatanghal pa lamang na IBF Super-bantamweight champion.
At sa pamamagitan ng eksplosibong boxing event na inihahanda ng Elorde International Productions--ang triple WBC International Championships na gaganapin sa Casino Filipino Amphitheater sa Parañaque City sa Hulyo 28, alas-5 ng hapon, malaki ang tsansang matupad ang mga pangarap ni Tuñacao.
Sa pamamahala ng kilalang boxing promoter Gabriel "Bebot" Elorde Jr., ang triple championship na ito ay magpapamalas ng mga world-rated sluggers.
Tampok sa isang laban ang sagupaan sa pagitan nina Randy Mangubat ang kasalukuyang WBC International flyweight champion at Tuñacao, ang WBC #2 flyweight at dating WBC flyweight world champion.
Matatandaan na unang dumagundong ang pangalang Malcolm Tuñacao ng mapagwagian niya ang WBC flyweight title laban kay Medgoen 3K Battery noong Mayo 9, 2000 sa pamamagitan ng knockout na panalo sa ika-pitong round kung saan si Medgoen 3K battery naman ang siyang gumapi kay Manny Pacquiao sa 3rd round.
Dahil sa sunod-sunod na boxing promotions na handog ng Elorde International at Gabriel "Bebot" Elorde Jr., ay muling nakabangon si Pac-quiao sa pamamagitan ng WBC international superbantamweight crown. Ganito rin ang inaasam-asam ni Tuñacao, ang makamit ang WBC Int’l crown at muling mabawi ang kanyang world title.
Bukod sa nasabing flyweight championship, nakatakda ring maki-pagbasagan ng mukha ang Pinoy champs kontra sa mga Hapon.
Sa ikalawang pagkakataon, idedepensa ni Mati-native Juanito Rubillar ang kanyang kasalukuyang WBC international lightflyweight title kontra sa WBC #18 na si Takahiko Mizuno, ha-bang makakasagupa naman ng kanyang nakatatandang kapatid na si Ernesto Rubillar si Taeho Kim para sa ikalawa ring niyang pagtatanggol sa hawak na minimumweight crown.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am