^

PSN Palaro

Viva Pacquiao

-
LAS VEGAS -- Tinupad ni Manny Pacquiao ang kanyang pangako at pinigil ang International Boxing Federation (IBF) Super Bantamweight champion Lehlo Ledwaba ng South Africa sa 0:59 ng ikaanim na round--tulad ng kanyang pangako-- sa 17,000-seat MGM Grand Garden Arena dito noong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).

Isang masorpresa at magaan na panalo ito para kay Pacquiao na nagbigay ng pressure sa pinapaborang si Ledwaba. At ito rin ang pinakamagandang laban ni Pacquiao sa kanyang pagiging pro.

Hindi binigyan ni Pacquiao ng tsansa si Ledwaba na makahinga. Ipinamalas ang kanyang mahigpit na depensa, na kanyang natutunan sa loob ng dalawa at kalahating linggong training sa ilalim ni Freddie Roach sa Los Angeles at sinalag nito ang matinding left jab ni Ledwaba at dito hindi na nakakuha ng paraan kung papaano makakapasok sa depensa ni Pacquiao.

Sinabi ni Roach na ang bilis at lakas ni Pacquiao ay nanaig kay Ledwaba, na sa ikaanim na pagkakataon ay idinidepensa ang koronang nakamit may dalawang taon na ang nakalilipas.

Ang tatlong hurado--Bill Graham, Jerry Roth at Deborah Barnes--ay iniskoran ang laban sa 50-44 shutout bago pumasok si referee Joe Cortez sa nakahigang si Ledwaba. Pinabagsak ni Pacquiao si Ledwaba ng isang beses sa ikalawang round at dalawang beses sa ikaanim na round upang wakasan ang paghahari ng South African.

"No problem," ani Pacquiao na ang battlecry ay "No Retreat, No Surrender, No Fear" bago ang laban. "Hindi ako nasaktan. Inaalay ko itong panalo sa ating mga kababayan, sa aking maybahay na si Jinkee at aming anak na si Jimuel."

Ito ay isang "pangarap na natupad" para kay Pacquiao. Wala pang Filipino ang nananalo ng world title sa kislap ng Las Vegas lights.

"I never expected it to be this tough," ani Ledwaba na lumasap ng kanyang ikalawang kabiguan. "I was surprised by the knockdown in the second round, it was a total shock. He came on really hard. He just coach me in the last round."

Ang tagumpay ni Pacquiao ay anino ng isa pang Filipino "brown bomer" na naghari sa US at nagwagi ng world flyweight title sa New York noong 1932 na si Pancho Villa. Pinabagsak niya si Jimmy Wilde sa seventh round upang maging kauna-unahang Filipino na world champion. At si Pacquiao ay sing-lakas, sing-tingkad at makulay na tulad ni Villa. (Ulat ni Joaquin Henson)

BILL GRAHAM

DEBORAH BARNES

FREDDIE ROACH

GRAND GARDEN ARENA

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JERRY ROTH

JIMMY WILDE

LEDWABA

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with