Ang 22 anyos na si Herrera na mula sa Guimaras, ay nakaungos sa katabing si Rolando Cedullo sa huling kilometro tungo sa solong pagpasok sa finish line sa mabagal na 2:41.58 na nagbigay sa kanya ng halagang P30,000 bilang premyo.
"Target ko, basta makapasok lang sa top 3, sinundan ko lang yung nasa una, tapos sa last kilometer ako bumakbak. Pacing lang ako dahil sa first timer baka kapusin ako." ani Herrera.
Sumuko din si Cedullo ng Iligan City na nagtatrabaho bilang janitor sa parish office ni running priest Fr. Robert Reyes na naorasan sa bilis na 2:42.24 para sa ikalawa at P20,000 premyo.
Ang third placer naman ay ang beteranong si Ronald Despi na iniinda ang kanyang foot injury at makuntento sa oras na 2:42.24 at P10,000 premyo.
Sa kababaihan namuno naman ang 24 anyos na Navywoman na si Hazel Madamba na tumawid sa finish line sa tiyempong 3:28.58. Nasa ikalawa naman si Mila Robiso-Paje (3:30.07) at ikatlo si Flordeliza Cahero (3:32.48).
Sa 5K ay sina Jose Agura (18:07) at Sealand Agana (23.21) naman.
Ang susunod na regional race naman ay sa Davao City sa Hulyo 8.