^

PSN Palaro

Winning traditions ng SSC Stags malaki ang tsansang makabalik

-
Malaki ang tsansa ng San Sebastian na muling maibalik ang kanilang winning tradition sa nalalapit na 77th season ng National Collegiate Athletic Association basketball championships na magbubukas sa Hulyo 7 sa Araneta Coliseum.

Ito ang inihayag ni coach Arturo Valenzona sa kanilang pagkuha sa serbisyo ng 6’7 Fil-Am na si Pep Moore na naglaro sa South Carolina High at iba pang mahuhusay na bagong recruits ang siyang magpapalakas ng opensa at depensa ng Stags.

"I should say 50-50 pa rin ang chances namin to get into the championship. But I believe na mas malaki ang chances namin this year dahil me legitimate center na kami," ani Valenzona.

"We also got new talented recruits na maganda naman ang ginawa sa dalawang off-season tournaments na sina-lihan namin," dagdag pa ni Valenzona.

Sa nasabing tournament na sinalihan ng Stags, nakita ni Valenzona ang character na hinahanap niya sa koponan.

Nakuha ng San Sebastian ang korona sa nakaraang Ambrosio Cup basketball championship at tumapos ng ikatlong puwesto sa Fr. Martin’s Cup.

Inaasahan ni Valenzona si Mark Macapagal na siyang mangangasiwa ng leadership sa court kasama ang mga beteranong sina Christian Coronel, Jam Alfad, Roy Falca-santos, Bernardo Mercado at ang sophomore standouts na si Nicole Uy at Paul Reguerra.

Ang iba pang inaasahan na magdadala sa Stags ay ang baguhang sina Mark Legarde, Michael Gonzales at Michael Morales.

Inaasahan din ni Valenzona na isa sa mahigpit nilang makakalaban ay ang College of St. Benilde, gayundin ang Perpetual Help-Rizal at University of Jose Rizal College.

AMBROSIO CUP

ARANETA COLISEUM

ARTURO VALENZONA

BERNARDO MERCADO

BUT I

SAN SEBASTIAN

VALENZONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with