Mangunguna sa kampanya ng bansa para sa medalya sina Abraham Pulia, Aris-totle Lucero, Sydney Schwarskop, Melvin MagatO, Nancy Quillotes, Elnorie Malasan, Rezil Rosalejos at Karin Ann Solomon.
Ang nasabing Pinoy judokas ay pawang mga beterano ng international competition at mapapasabak sila sa mahuhusay na judokas mula sa 20 bansa sa Asia, Amerika at Oceania sa apat na araw na sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganapin ito sa Los Angeles.
Lalahok si Pulia, isang Bicolano sa 60 kilos (extra lightweight; si Lucero sa 66-kgs. (half light weight); si Magata sa 66-kgs. (lightweight); si Schwarskop sa 90-kgs.( middleweight); si Quillotes sa -48-kgs. (extra lightweight); si Malasan sa -52-kgs. (half lightweight), si Rosalejos sa -57-kgs.( half welterweight) at si Solomon ay sa -63-kgs. (middleweight).
Bagamat aminado si PAJA president Capt. Rey Jaylo na mahirap ang competition dito, optimistiko pa rin ito na makapagbibigay ng magandang laban ang kanyang mga bata kontra sa mga dayuhan ng judokas.
"The eight judokas indeed the best in the country today. They are skillfull and veterans of numerous international judo tournaments. I am pretty sure they will perform prominently in this event," ani Jaylo.
Ito rin bale ang ikaapat na pagkakataon na lumahok ang Pinoy judokas sa nasabing event na ito simula ng una itong magbukas noong 1997 sa Macau kung saan naibulsa ni John Baylon ang bronze sa kanyang division.