^

PSN Palaro

Jai-Alai pinatitigil

-
Hindi na pinahintulutan kahapon ng Korte Suprema na muling makapangasiwa ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pagsasagawa ng operasyon ng Jai-Alai.

Ito ay makaraang ibasura kahapon ng SC ang motion for reconsideration na isinumite ng PAGCOR, BELLE Corporation at Filipinas Gaming Entertainment Totalizator Corporation (FILGAME) matapos na pito lamang sa mga mahistrado ang bumoto para pagbigyan ang mosyon na hindi sapat para makakuha ng majority.

"For lack of required number of votes, the said motions for reconsideration are denied," nakasaad sa isang pahinang resolution en banc.

Matatandan na noong nakaraang November 29, 2000 ay nagpalabas ng desisyon ang SC kung saan iginiit nito na hindi maaaring mabigyan ng karapatan ang PAGCOR na pangasiwaan ang operasyon ng Jai-Alai dahil hindi ito kasama sa kanilang franchise na nakapaloob sa PD 1869.

Dahil dito’y isang motion for reconsideration ang muling isinampa ng PAGCOR subalit dinismis din ito ng SC, dahil pawang parehas lamang umano ang argumentong iprinisinta ng respondent.

Nilinaw ni Justice Renato Puno, na siyang sumulat ng desisyon, na ang operasyon ng PAGCOR bagamat binibigyan ito ng kapangyarihan na pangasiwaan ang mga casinos ay hindi malinaw na mayroon itong hurisdiksiyon sa jai-alai.

Binigyan diin pa ni Puno na hindi rin makatwiran na bigyan ng pahintulot ng SC ang pag-ooperate ng jai-alai na kinokondena ng pamahalaan at simbahan dala na rin ng masamang epekto nito sa tao.

"It would seem illogical and absurd for the lawmaking authority to provide strick safeguards and guidelines in its grant of a franchise to PAGCOR to operate gambling casinos and at the same time clothe it with unrestrained authority in the operation of jai-alai," nakasaad pa sa desisyon.

Samantala, mawawalan ng trabaho ang halos 300 empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) makaraang magpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagbabasura sa motion nito.

Dahil sa nabanggit na desisyon ay mapipilitan ang PAGCOR na isara ang mga fronton franchise nito na nag-ooperate ng jai-alai.

Sinabi ni PAGCOR Information chief Lois delos Santos, malulugi ang nasabing kompanya ng halagang P142 milyon. (Ulat ni Gemma Amargo)

DAHIL

FILIPINAS GAMING ENTERTAINMENT TOTALIZATOR CORPORATION

GEMMA AMARGO

JAI-ALAI

JUSTICE RENATO PUNO

KORTE SUPREMA

PAGCOR

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with