Tanduay dapa sa Ginebra
June 21, 2001 | 12:00am
Tuloy pa rin si import Ryan Fletcher sa Barangay Ginebra nang pangunahan nito ang Gin Kings sa 96-82 panalo kontra sa Tanduay Gold Rhum sa pag-usad ng PBA Commissioners Cup sa PhilSports Arena kagabi.
Umiskor si Fletcher ng 32 puntos, 19 nito ay sa ikalawang bahagi ng labanan bukod pa sa 18-rebounds at kinulang lang ng isang assists para sa kanyang triple-double performance tungo sa ikala-wang panalo sa 4 na pakikipaglaban na nagbaon naman sa Rhum Masters sa 1-3 panalo-talo.
Dahil sa impresibong performance na ito ni Fletcher, mananatili itong import ng Ginebra bagamat stand-by pa rin si Jerald Honneycut na narito na sa bansa at patuloy na nakikipag-ensayo sa Gin Kings.
Katulong si Mark Caguiao, naihatid ni Fletcher ang Ginebra sa kanilang pinakamalaking kalamangan na 10 puntos, 63-73 sa ikaapat na quarter makaraang kumawala ang Gin Kings sa ikalawang canto.
Tumapos naman si Kevin Freeman ng 20 puntos at 10 rebounds matapos malimitahan ng 5 puntos sa first half. Nagtala rin si Bong Hawkins ng 18 puntos.
Kinontrol ng Tanduay ang unang quarter ngunit humarurot ang Ginebra sa ikalawang canto sa pamumuno ni Helterbrand at Limpot upang hawakan ang 46-35 pangunguna sa halftime.
Naglaho ang 25-19 kalamangan ng Rhum Masters sa kaagahan ng ikalawang quarter nang pakawalan ng Gin Kings ang isang rumaragasang 27-5 run upang agawin ang trangko at ibandera ang 16 puntos na kalamangan, 46-30 bago isinara ni Pumaren ang first half sa 35-46.
Umabante ang Tanduay ng 5 puntos sa unang canto, 14-9 at sa 23-17 mula sa three-point play ni Webb sa kaagahan ng second quarter.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang league-leader Alaska Aces at Sta. Lucia Realty.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended