Tampok ang 42K marathon bilang qualifying race sa national finals sa December at ang event na ito ay inaasahang hahakot ng mahigit sa 5,000 entries na kinabibilangan ng mga kalahok sa 3K kiddie run at 5K at 10K fun runs.
Kapwa seeded na sina defending mens division national champion Allan Ballester kasama ang five time Milo Ma-rathon champion Roy Vence na kasalukuyang nasa training para sa SEA Games sa finals, gayundin ang womens champion noong nakaraang taon na si Christabel Martes na lalahok naman sa 10K event bilang bahagi ng kanyang training program para sa Avon Global Championship na gaganapin sa Budapest, Hungary sa October.
Inaasahan na pupukaw ng pansin ng mga manonood sa distaff side sina Hazel Madamba at ang beteranang si Mila Robiso Paje, habang lumaki naman ang tsansa ng mga runners sa pagkawala nina Ballester at Vence sa field.
Nagkumpirma rin ng kanilang paglahok ang mga entertainment personalities na sina Onemig Bondoc, Shaina Magdayao, Ann Curtis, Jake Roxas, Lana Azanin at Goyong sa 5K run kung saan dadagsa ang mga lahok mula sa mga mag-aaral.
Bilang karagdagan sa event, mayroong cheering competition para sa mga kalahok na paaralan na hindi bababa sa 50 entries bawat isa, bukod sa inter-school team competition na ibabase sa mga naitalang oras ng mga paa-ralan para sa top 25 finishers.
Magsisimula ang 42K race sa alas-4:30 ng umaga, habang ang 3K, 5K at 10K fun runs ay puputok ng alas-6 ng umaga, ayon kay National Milo race organizers Rudy Biscocho. Inaabisuhan ang lahat ng mga partisipante na du-mating sa assembly area sa Vicente Sotto St. sa loob ng Cultural Center Complex grounds ng hindi lalampas sa alas-4 ng umaga, habang ang sa 3K, 5K at 10K runners ay kailangang dumating ng alas-5 ng umaga para sa pre-race briefings at check-in.