Taulava nagsumite ng bagong ebidensiya
June 21, 2001 | 12:00am
Sinimulan nang trabahuhin ng nasa bansa na ngayong si Paul Asi Taulava ang kanyang kaso para sa kanyang pagbabalik sa PBA sa koponan ng Mobiline Phone Pals sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga bagong ebidensiya sa Bureau of Immigration kahapon, upang patunayan ang kanyang dugong Pilipino.
Sa mosyong ipinasa ng Picazo, Tan, Buco, Zider at Santos Law Office, nakasaad ang pagkakakilala sa ina ni Taulava na si Pauline ng mga bagong witnesses sa kanilang mga magulang na tumira sa Northern Zamar bago umalis ng bansa si Pauline nang siya ay bata pa.
Bukod sa mga sworn statement ng mga witnesses ay ipinasa rin ni Taulava na dumating sa bansa noong nakaraang linggo, ang mga kinakailangang papeles upang siya ay makilalang Pinoy.
Sa nasabing mosyon, nilinaw din ng mga abogado ni Taulava ang ilang isyu sa kanyang pagkakadeport, mahigit isang taon na ang nakakaraan dahil sa di makumbinsi ang kanyang ina sa kanilang pagka-Pilipino.
"With the additional evidence, we believe that the BID should have no more doubt of Asi’s Filipino lineage and the additional; evidence is consistent with previous evidence," pahayag ni Mobiline team manager Frankie Lim.
Ayon sa mga pahayag ng witnesses, may pamilyang Hernandez sa Catarman at San Jose sa Northern Zamar. Ayon din sa isang witness ay naglingkod sa kanilang pamilya ang lola ni Asi na si Ana Hernandez noong 1947 at nabuntis ito noong huling bahagi ng 1949.
Ang isang witness din ay nagsabing nakilala nito si Pauline na ipinanganak noong July 13,1950 noong 1952 at 1953 sa Carangian na ngayon ay San Jose Northern Zamar at ang mga larawan ni Pauline na kanyang nakita sa mga pahayagan nang siya’y magpunta dito sa bansa ang dahilan upang makumbinse siyang humarap sa BID. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended