Kaya ang mga imports ang dapat magdomina ng laro, magsalba sa kani-kanilang koponan at ang mapipiling Player of the Week.
Ngunit hindi ganito ang nangyari sa linggong ito. May isang 62 local na umiiskor, nakakakuha ng rebound, nakakadepensa, pumapasa at siguroy maglilinis ng locker room kung ipag-uutos ng kanyang coach. At ito ay si Kenneth Duremdes.
Isa na namang impresibong performance ang ipinakita ni Duremdes nang gumanap ito ng mahalagang papel sa 94-84 pamamayani ng Alaska Aces kontra sa defending champion San Miguel Beer noong Miyerkules sa Ynares Center.
"He played big for us. He what? As a triple-double in the first half alone? Must weve been something like that," pahayag ni Alaska coach Tim Cone.
Hindi naman tumapos ng triple-double si Duremdes, ngunit isang klasikong performance ang kanyang isinagawa upang mapuna ito ng PBA Press Corps at dominahin nito ang botohan para sa Player of the Week at talunin ang import na si Jason Sasser ng Pop Cola.
Kontra sa Beermen, nagtala ito ng 21 puntos kabilang ang mga dakdak na kanyang nailusot sa masikip na depensa ng San Miguel. Mayroon din itong 11-rebounds mula sa mga masamang pagmimintis ng Beermen kayat maagang nakakawala ang Alaska at di na pinaporma pa ang kalaban.
Kinulang lamang ng isang pasa para makumpleto na nito ang kanyang triple-double, isang bagay na nais niyang gawin tuwing dumadalaw ang PBA sa Antipolo City.
Mahusay na depensa rin ang ipinakita niya laban kay Danny Seigle at kung minsan ay kay import Nate Johnson.
Halos lahat ay ginawa na ni Duremdes at kung paglalabahin pa ito ng uniporme ay gagawin niya ngunit hindi na ito kinakailangan.
Sa kaagahan pa lamang ng ikatlong quarter ay may 27 puntos na bentahe na ang Aces at kaunting trabaho na lamang ang ginawa ni Duremdes para iselyo ang ikatlong panalo ng koponan.