Ang iba pang Pinoy cue artists na kasama ni Efren ay sina Francisco Bustamante, Rodolfo Luat, Leonardo Andam, Ramil Gallego, Warren Kiamco, Antonio Lining at ang Canada resident na si Alex Pagulayan na nagparehistro bilang lahok naman ng Canada.
Sa ipinalabas na draw ng Matchroom Sports at WPA kung saan ang 128 players ay hinati-hati na kakatawan sa 44 bansa sa 16 grupo na bubuuin ng 8 manlalaro. Ang lahat ng manlalaro ay lalaro ng tig-isa sa race-to-5 match at ang top 4 sa bawat grupo ang siyang uusad sa last 64 knockout stages kung saan sila ay isi-seeded base sa kani-kanilang group performance.
Sa mga nabanggit na Pinoy cue artists, sina Gallego ang nahaharap sa mabigat na kalaban na nasa Group 1 kung saan dito nakagrupo ang defending champion na si Fong Pang Chao ng Taiwan at Kiamco na nasa Group 7 at makakalaban niya si Corey Deuel, ang sumisikat na batang Amerikanong pro na nanalo ng Billiards Congress of America (BCA) 9-Ball Open kamakailan lamang.
Nakataya sa annual championship na ito ang pinakamayamang pool tournament sa daigdig ang kabuuang premyong $300,000 ngayong taon na ang mananalo ay tatanggap ng $65,000 at $30,000 naman sa runner-up.