^

PSN Palaro

Sesay may kapalit na pero...

-
Nakikinikinita na ang ikaapat na sunod na panalo ng Alaska Aces sa pagpapatuloy ngayon ng eliminations ng PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena kung hindi mareremedyuhan ng Sta. Lucia ang maagang pagdating ng kanilang bagong import.

Higit na pinapaborang manalo ngayon ang kasalukuyang pangkalahatang lider na Aces na may 3-0 record kontra sa kanilang makakatunggaling Sta. Lucia Realty sa pang-alas 7:30 ng gabing sagupaan bilang main game.

Delikado naman sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ang Sta. Lucia na lumasap ng dalawang sunod na talo matapos simulan ang kanilang kampanya sa kumprensiyang ito sa pamamagitan ng panalo.

Ito’y dahil na rin sa kapuna-punang kahinaan ni import Ansu Sesay, ang tinanghal na Best Import sa Commissioner’s Cup noong nakaraang taon, bunga ng kanyang injury sa paa, shin splint nagkaroon ng laman ang buto sa kanyang kanang paa.

Nagdesisyon ang Sta. Lucia management na palitan si Sesay ngunit ang pamalit na si Damian Owen, isang 6-foot-6 na mahusay na defender ay hindi pa tiyak kung makakakuha ng maagang flight at makarating sa laro ng Realtors ngayon.

Kung makaabot man si Owen para sa laro ngayon, tiyak na may jetlag pa ito at mahihirapan pa itong makisabay sa kanyang mga bagong kasamahan.

Kung hindi ay siguradong sa Huwebes na ito darating sa bansa at ina-asahang makakapaglaro si Owen sa nakatakdang out-of-town game ng Sta. Lucia kontra sa Barangay Ginebra sa San Fer-nando Pampanga sa Sabado.

Ngunit sa ngayon ay kailangan munang mag-tiis ang Realtors kay Sesay kaya’t doble kayod ang inaasahan mula sa mga locals na sina Dennis Espino, Marlou Aquino, Paolo Mendoza at iba pa.

Ang kahinaan ni Sesay ang sasamantalahin naman ni import Terrance Badgett na gumaganda na ang galaw sa court ngayon at sasabayan pa ito ni Kenneth Duremdes upang isulong ang Aces.

Sa pambungad na laban, nakatakda namang magsagupa ang Tanduay Gold Rhum at Barangay Ginebra sa ganap na alas-5:15 ng hapon kung saan inaa-sahang panibagong import na rin ang ipaparada ng Gin Kings.

Inaasahang papalitan na ngayon si import Ryan Fletcher ng Ginebra at paglalaruin na si Jerald Honneycut na naririto na sa bansa na masusukatan naman ng reinforcement na si Kevin Freeman ng Rhum Masters. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALASKA ACES

ANSU SESAY

BARANGAY GINEBRA

BEST IMPORT

CARMELA OCHOA

NGAYON

SESAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with