^

PSN Palaro

Rexona Bicycle Challenge sisimulan na

-
Ang lahat ay handa na para sa "Rexona Bicycle Challenge" sa pagpedal ng Visayan elimination sa Hunyo 24 sa Tacloban, Leyte.

Umaasa ang organizing RMN Radio, DYXY Leyte at Rexona-Uniliver na lalahok ang mga siklista mula sa Eastern Visayas na kinabibilangan ng mga cyclists mula sa Tacloban, Ormoc, Catarman at Catbalogan Samar.

Hanggang sa kasalukuyan ay bukas pa ang patalaan para sa lahat ng interesadong siklista na hindi nag-qualify sa elimination races na ginanap sa Dagupan, Davao at General Santos.

"Cyclists will not just compete for big cash prizes and Rexona products as more than these, the honor to represent the region in the "Rexona Tour of Luzon" in December," ani Mr. Allan Obscial ng RMN Radio.

Ang karerang ito ay gaganapin na may sanction ng Philippine Amateur Cycling Association (PACA) sa ilalim ng pangangasiwa ni Jun Regalado. Tampok sa isang araw na karera ang 152K distansiya mula Tacloban hanggang Abuyog, Leyte via San Juanico Bridge kung saan dito matatagpuan ang Rexona Summit prize.

Walang entry free na babayaran at ang siklista na manggagaling mula Manila, Cebu, Mindanao at iba pang probinsiya ay bibigyan ng libreng accommodation.

Nakataya sa karerang ito ang mahigit sa P38,000 cash prize bukod pa sa Rexona products na ipamamahagi sa mga mananalo sa elimination race.

CATBALOGAN SAMAR

EASTERN VISAYAS

GENERAL SANTOS

JUN REGALADO

LEYTE

MR. ALLAN OBSCIAL

PHILIPPINE AMATEUR CYCLING ASSOCIATION

REXONA

REXONA BICYCLE CHALLENGE

TACLOBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with