Pantua yuko kay Diez

DAVAO -- Tinalo ng club netter na si Ed Angelo Diez si Juan Carlo Pantua, 8-1 bago isinunod na biktima si Ryan Bendijo, 8-2 upang umusad sa semifinals ng boys’ 14-under division ng Adidas Tennis Challenge 2001 dito sa Flores Village Tennis Club kamakalawa.

Nakasama ni Diez ang mga paboritong sina Hamza Macapendeg at nakababatang kapatid na si Hussein Macapendeg na nanaig kontra Mark Alcoseba, 8-4 at Al Rey Kaindoy, 8-0, ayon sa pagkakasunod sa Adidas netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Milo at PTV-4 Saturday weekly show Sports Kids.

Ang iba pang nanalo ay sina Alexis Lapaz na nagtala ng 8-1 panalo kontra JR Pang; Van Solis na namayani laban kay Gerard Pinili, 8-5; Franz Bonilla na bumokya kay Jimmy Samodal, 8-0 at James Pang na umiskor ng 8-6 panalo kontra Luigi Albarracin.

Sa boys 12-under bracket, sinibak ni Ralph Barte si Kaindoy, 8-1; tinalo ni Pantua si Martin Barril, 8-1, nasilat ni El Santo Santos si Mac Samodal, 8-1 at ginapi ni Pinili si Ryan Bendijo, 8-4 para humakbang sa final 4.

Show comments