Ito ay bukas para sa lahat ng lalaki at babaeng Filipino bowlers na may edad 16 pataas at ang eliminations ay gaganapin sa mga sumusunod na lugar.
Paengs Greenbelt Bowl, Puyat Sports Baguio, Paengs Sugarbowl-Bacolod, Xybr Bowl, Paengs Skybowl, Farmers Plaza, Q. Plaza, Grand Central, Astrobowl, Coronado Makati, Ali-Mall, Manuela EDSA, SM West, SM Mega-mall, Bowling Inn, Metropolis Alabang Commonwealth, Greenlanes, Superbowl, Pearl Plaza, Paengs Freedom Bowl Imus, Powerbowl-Rockwell, Coastal Lanes at sa Paengs Midtown Bowl.
Inaasahang pamumunuan ng nakaraang winners na sina C.J. Suarez at Arianne Cerdeña ang mga kalahok sa dalawang magkahiwalay na qualifying rounds na may dalawang magkahiwalay na finals na ang una ay sa Hulyo 29 hanggang Agosto 3 at ang ikalawa ay mula sa Setyembre 16 hanggang Setyembre 21.
Tampok sa national finals ang top 82 female at male finalists na gaganapin naman sa Sept. 24 sa Coastal Lanes, Sept. 27 sa SM Megamall at Sept. 28 sa Power Bowl-Rockwell.
Tanging ang multi-awarded na si Paeng Nepomuceno ang siyang naging matagumpay na Filipinong kalahok sa World Cup sa pagkakabulsa ng apat na korona noong 1976 sa Tehran, 1980 sa Jakarta, 1992 sa Le Mans at 1996 sa Ireland.