Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Lawn Tennis Association (Philta) president Salvador ‘Buddy" Andrada.
Ayon kay Andrada, sila ay nagkaroon na ng unang pag-uusap ng agent ni Mamiit, ranked No. 80 ng US Tennis Association (USTA) para sa kanyang paglahok sa RP Tennis squad.
"There’s a big possibility that he’ll play for the Philippines, that is if he fails to get a slot in the US team. There will be no money involved, except for the financial assistance Philta will provide for his stay here in the Country," ani pa ni Andrada.
Idinagdag pa ni Andrada, ang pagkakadagdag ni Mamiit sa koponan ang siyang magpapalakas ng tsansa ng bansa para maipadala ang lawn tennis team sa susunod na Olympics. Ngunit, kinukunsidera ni USTA head coach at legend John McEnroe si Mamiit tumalo kay Todd Martin sa US Open, para sa koponan ng Amerika.
"If he joins the RP team, Mamiit would lose his privileges with the USTA like a service car for tournaments he joins. But possibilities are high. He’s already 25 at kapag hindi nakuha ng US team, he might out to play for the Phi-lippines," sabi pa ni Andrada.
Kinukunsidera rin ni Andrada ang isa pang Fil-Am na si Kara Guzman na sumali sa koponan. Kabilang sa mga nasa training pool ay sina Johnny Arcilla, Joseph Victorino, Roland Ruel Jr., Michael Mora III, Dante Sta. Cruz, Czarina Arevalo, Vida Alpuerto at beteranong national na si Jennifer Saret.