^

PSN Palaro

Pinoy shooters pa-Italy

-
Lilipad ang 10-man delegation ng shotgun shooters na pawang mga miyembro ng national training pool sa Hunyo 18 sa Lonato, Italy upang sumabak sa World Cup Shooting Championship na gaganapin sa Hunyo 24-30 ng taong ito.

Ang koponan ay pangungunahan ni Arthur Tuason, chairman ng shotgun aggrupation of the Philippine National Shooting Association. Ang grupo ay binubuo naman ng apat na traps, tatlong skeet, isang double trap at lady trap shooters.

Ayon kay Col. Reynaldo Samaco, PNSA secretary-general, ang shotgun charge ay isang "shooting two birds with one bullet." At sa kanilang pag-uwi, ang koponan ay may stop-over sa Bangkok, Thailand para sumali naman sa pistol at rifle delegation sa Southeast Asian Shooting Association championships sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8.

Ang kanilang paglahok sa Italy at Thailand ang kanilang international exposure bago magbuo ng koponan na isasabak naman sa 21st Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur ngayong Setyembre.

Ang Lonato delegation ay binubuo nina Jaime Recio, Eric K. Ang, Jethro Dionisio, James Chua (trap), Darius Alexis Hizon, Paul Brian Rosario (skeet), Rodolfo Marinez Jr., (double trap) at Gay Josefina Corral (ladies trap). Ang mga nabanggit ay pawang napkapasa sa criteria na itinakda ng POC-PSC Task Force SEA Games.

ANG LONATO

ARTHUR TUASON

DARIUS ALEXIS HIZON

ERIC K

GAY JOSEFINA CORRAL

HUNYO

JAIME RECIO

JAMES CHUA

JETHRO DIONISIO

KUALA LUMPUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with