^

PSN Palaro

Umarangkada na si Sasser

-
Dinibdib ng Pop Cola Panthers ang dalawang sunod na kabiguan at ito ang kanilang naging lakas sa impresibong 75-68 pamamayani kontra sa Shell Velocity sa pagdako ng aksiyon ng PBA Commissioner’s Cup sa Yñares Center sa Antipolo City.

Umarangkada ang Panthers sa simula pa lamang ng labanan at di na hinayaan pang makabangon ang Turbo Chargers sa second half upang iposte ang kanilang unang panalo.

Bunga nito, umangat ang Panthers sa 1-2 panalo-talo habang nalasap naman ng Shell ang ikalawang sunod na kabiguan sa tatlong laro bunga na rin ng pananatiling pagkawala nina Benjie Paras at Gerry Esplana na kapwa nag papagaling sa kanilang injuries.

Matapos umabante ng 22 puntos ang Pop Cola sa first half ang tanging oposisyong nagawa ng Shell ay ang maibaba sa 7 puntos ang kalamangan ng Panthers.

Isang mainit na 15-3 run ang pinamunuan nina import Juaquin Hawkins at Mark Telan upang makalapit ang Shell sa 68-73 ngunit kinapos na sila dahil 18 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Buhat sa 50-30 abante ng Pop Cola, pinamunuan ni Dale Singson ang 17-7 run ngunit nailapit lamang ng Shell ang iskor sa 47-57 sa pagsasara ng third canto.

Namuno si Jason Sasser para sa Panthers ng nagtala ito ng 31 puntos at humataw ng 16 rebounds.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang defending champion San Miguel Beer at Alaska Aces. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALASKA ACES

ANTIPOLO CITY

BENJIE PARAS

CARMELA OCHOA

DALE SINGSON

GERRY ESPLANA

JASON SASSER

POP COLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with