Peñalosa vs Tokuyama sa Japan sa Sept. 24

Sinabi kahapon ng abogadong si Rudy Salud, manager ni WBC International super flyweight champion Gerry Peñalosa na ang mandatory title fight ng huli kontra sa world champion na si Masamori Tokuyama ay gaganapin sa Japanese Port City ng Yokohama sa September 24.

At kasabay nito, inihayag din ni Salud na isang fax message ang ipinadala sa kanya ni WBC president Jose Sulaiman na nagsasabing ito ay "Very happy to see that you (Salud) have finally reached an agreement for Peñalosa to fight to recover his WBC super flyweight championship."

Siniguro rin ni Sulaiman kay Salud na kanya itong bibigyan ng isang maganda at kumpetitibong ring opisyal na itatalaga sa kanilang laban upang ang mananalo rito ay magwawagi sa pamamagitan ng cards.

At bilang tugon, sinabi naman ni Salud kay Sulaiman na " I know you hate unfair decisions more than anybody else because they put our organization, the WBC into shame. Hence I am confident that you shall assign honest and competent ring officials."

Tatanggap si Peñalosa sa labang ito ng $80,000, habang si Tokuyama, ang Japan-born North Korean na nasa kanyang ikatlong pagdedepensa ng titulo ay mag-uuwi naman ng $220,000.

Matagal ang paghihintay ni Peñalosa, rated No. 1 na napatili ang kanyang korona matapos na talunin ang Hapon na si Hiroshi Kawashima noong Pebrero 1997, eksaktong tatlong buwan matapos na itaya ni Manny Pacquiao ang kanyang titulo kontra sa IBF champion Lehlohonolo Ledwaba sa MGM Grand sa Las Vegas ngayong Hunyo.

Show comments