Lalahok sa World Chess Championship sinisimulan na

Dahil sa kahilingan ng ilang chess players, nagdesisyon ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na baguhin ang requirements para sa paglahok sa nalalapit na elimination tournament para sa karapatang katawanin ang bansa sa World Chess Qualifying Championship na gaganapin sa Calcutta, India sa Agosto 9-18.

Ang lahat ng kuwalipikadong kalahok ay maaaring magpalista sa bagong NCFP office, 4th Floor, Tempus Bldg., No. 21-A Matalino St. Diliman Quezon City (sa likod ng Quezon City Hall). tel. no. 4351114 at hanapin si Gene Poliarco (cell. no. 09198252524) at NM Willy Abalos (09198395283).

Magsisimula ang nasabing qualification event sa Sabado, alas-6 ng gabi sa Center Mall ng Greenhills Shopping Center sa San Juan, Metro Manila at ito ay bukas para sa lahat ng mga sumusunod.

1.
Lahat ng tituladong Filipino chess players (International Masters, FIDE Masters at National Masters).

2.
Ang lahat ng manlalaro na umiskor ng 8 puntos pataas sa elimination round ng 2001 National Open Championship.

3.
Ang mga batang manlalaro na nakapaglaro na sa National Age Group Championships na ginanap sa Mandaluyong City.

a.
Under-20-Nelman Lagutin at Roland Salvador

b.
Under-8-Bob Jones Liwagon, Martin Lumapat at Anthony Ramos

c.
Under-16--Roderick Nava at Julio Catalino Sadorra.

Hanggang alas-5 ng hapon sa Biyernes ang ibinigay na huling araw para magpatala.

Show comments