Gomez nagpasiklab sa Milo chessfest
June 12, 2001 | 12:00am
Tumapos si NM John Paul Gomez, kasalukuyang national junior champion ng 39 panalo at tatlong draws mula sa 42 boards sa kanyang sunod-sunod na exhibition matches noong Sabado sa pagbubukas ng ikaapat na serye ng Milo Checkmate clinic sa Rizal Memorial Sports Complex at sa Greenhills Shopping Center.
Ang kanyang mga draws ay mula sa 16-anyos na si Jayveelyn Fronda at kina Mary Claire Cuesta at Jonalden Ferrer.
Binasag ni Gomez sa edad na 13 ang record bilang pina-kabatang naging junior titlist ng bansa at siya ay nakatakdang sumabak sa World Juniors na gaganapin sa Agosto sa Greece.
Maaari niyang makamit ang Grandmaster title kung sakaling manalo siya sa nasabing event.
Ang naturang simul ang siyang highlight sa opening ng Saturday-clinic kung saan ang pormal lectures ay magsisimula sa Hunyo 16 hanggang Hulyo 22 sa dalawang lugar; Badminton Bldg., RMSC, Vito Cruz, Manila (7:30-11:30 a.m.) at sa 2/F Centermall GSC mula 1:30-5:30 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended