Seeded players naka-bye
June 12, 2001 | 12:00am
Nagsilbing warmup lamang ng mga seeded players ang pagbubukas kahapon ng first round ng JVC Open Badminton Championships qualifying round matapos na makakuha ng byes sa Badminton Hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Ngayong araw pa lamang nakatakdang magpakita ng aksiyon si Melvin Llanes, ang top-ranked player ng bansa na lalaro sa Air Force Team, gayundin si No. 2 Ian Piencevenas, kakatawan naman sa Army squad sa round-of-32 kontra sa mga kalaban na nakapagtala ng panalo sa opening ng tournament na ito na hatid ng JVC sa koordinasyon ng IMG Manila.
Makakaharap ni Llanes, nakakasiguro na sa national team para sa 21st Southeast Asian Games sa September si Reynaldo Selga ng Philippine National Police (PNP) Badminton Club.
Tinalo ni Selga si Jerry Samala ng Yamaoqui-Cavite City, 15-0, 15-0.
Magpapakita ng aksiyon si Piencevenas, na natatanging manlalaro na tumapos sa dominasyon ni Llanes sa nakalipas na limang taon kontra Erikson Banico ng Far Eastern University (FEU) na nagposte ng 15-0, 15-6 tagumpay laban kay Ginel Galgo.
Ang iba pang seeded sa mens elite (open) ay sina No. 3 Rodel Bartolome ng PNP, No. 4 Kennevic Asuncion ng Valle Verde, No. 5 Jaime Llanes ng Air Force, No. 6 Lloyd Escoses ng FEU, No. 7 Jaime Junio ng PNP at No. 8 Arolas Amahit ng Army na nakatakda ring sumabak sa aksiyon ngayon.
Makakasama ni dating Unang Ginang Amelita "Ming Ramos, pangulo ng Philippine Badminton Association ang world No. 2 Taufik Hidayat ng Indonesia sa opening ceremonies ng main draw sa Huwebes sa alas-9 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended