Eagles kinatay ng Gems

Gen. Santos City -- Niyanig ng Cebu Gems ang Davao Eagles upang iposte ang 112-90 tagumpay na naglagay sa kanila sa solong ikatlong puwesto sa pagpapatuloy ng MBA First Phase sa Gen. Santos City Coliseum dito.

Nilatagan ng mahigpit na depensa ng Gems ang shooters ng Davao na si Mike Manigo sa unang bahagi pa lamang ng laban upang ikambyo ang 52-28 kalamangan na di na nagawa pang lingunin ng kalaban.

Humatak si Matt Mitchell ng 20 puntos, bukod pa ang 11 rebounds upang pamunuan ang Gems sa kanilang ikala-wang sunod na panalo matapos ang unang kabiguan.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyan pa ring naghaharap ang Negros Slashers at ang Socsargen.

Show comments