PAL Intersports magbabalik
June 11, 2001 | 12:00am
Makaraan ang apat na taong pamamahinga, muling magbabalik ang Philippine Airlines Intersports competition na magdaraos ng kanilang 24th edisyon sa Cebu City sa huling bahagi ng buwan ng Agosto.
Tatakbo ang multi-sport athletic meet para sa mga business executives mula sa ibat ibang PAL domestics points simula sa Agosto 31 hanggang Setyembre 2, 2001 sa Alta Vista Golf and Country Club. Tema ngayong taon na ito ng competition ay "Welcome Back!"
Aabot sa 8 koponan na kakatawan sa nasabi ring bilang ng mga siyudad ang magpapakita ng aksiyon sa anim na opisyal na events at limang non-bearing games.
Ang mga kalahok ay ang Bacolod Executives, Iloilo Executives, Manila Executives, Cagayan de Oro Executives, Bomberos de Davao, Caballeros de Zamboanga, Los Hermanos de General Santos at hosts Los Jefes de Cebu.
Ang mga kalahok mula sa Cagayan de Oro at Gen. Santos ay ngayon pa lamang magsasagawa ng kanilang debut sa tournament na ito.
Ang lahat ng 8 koponan ay maglalaban-laban para sa events ng basketball, golf, badminton, bowling, volleyball at tennis.
Mayroon ding parallel competitions sa demonstration sports ng billiards, darts, table tennis, dance sports at chess. Gayunman ang magiging resulta nito ay di ibibilang para sa overall title.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended