^

PSN Palaro

Malaking premyo nakalaan sa Top three ng Manila Leg

-
Malalaking premyo ang naghihintay para sa top three finishers ng Metro Manila Milo Marathon’s qualifying event sa Hunyo 24.

Dahil sa pinalawig pa ang full 42K marathon dahil na rin sa mga kahilingan ng long distance runner ng bansa, higit pang pinalaki ng corporate sponsor Nestle Philippines ang mga premyo sa inaugural event sa P30,000, P20,000 at P10,000 sa unang tatlong runners sa babae at lalaki.

Magsisimula at magtatapos sa PICC grounds sa Cultural Center Complex sa Roxas Boulevard, gagamitin ng karera ang dating PAL Manila International Marathon route na siyang dadaanan ng mga runners sa buong siyudad ng Manila, Pasay, Parañaque, Makati, Mandaluyong at San Juan, ayon sa Milo Marathon national race organizer Rudy Biscocho.

Sa kabila nito, para mag-qualify sa Adidas-supported national Milo Marathon finals sa Disyembre, kailangang lumahok ang male runners sa Metro Manila event sa distansiyang tatlo at kalahating oras, habang ang babaeng kasali ay kailangang tumakbo sa loob ng apat at kalahating oras.

At dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga kalahok sa 25th na pagdaraos ng Milo Marathon na ito, nagtayo si Biscocho ng satellite registration centers sa labas ng main registration center sa Vasquez Madrigal Plaza Bldg., sa Annapolis St. sa Greenhills.

Kasalukuyan ng ginaganap ang patalaan at ang mga runners mula sa Pasig, Quezon City, Marikina, Manila at kalapit na area ay maaring magpalista sa Hunyo 16 sa Quezon Memorial Circle sa kooperasyon ng Runnex at sa Hunyo 17 sa PICC Grounds kasabay ng Olympic Day Run. Magwawakas ang patalaan sa Hunyo 19.

Tatanggap ang paaralan na may pinakamalaking bilang ng mga finishers ng incentives na binubuo ng sports equipment na nagkakahalaga ng P10,000, P7,000 at P5,000, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ANNAPOLIS ST.

CULTURAL CENTER COMPLEX

HUNYO

MANILA INTERNATIONAL MARATHON

METRO MANILA

METRO MANILA MILO MARATHON

MILO MARATHON

NESTLE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with