Ikatlong sunod na panalo asam ng Negros

Ikatlong sunod na panalo na maghahatid sa Negros Slashers sa pangunguna ang kanilang tangka ngayon sa nakatakdang pakikipaglaban kontra Socsargen Marlins sa alas-5:30 ng hapon sa MBA First Phase sa Gen. Santos City Coliseum.

Matapos na igupo ang Davao Eagles na walang inaasahang tulong mula kay Cid White noong Biyernes ng gabi, mahigpit na pinapaboran ang Slashers na maitala ang kanilang panalo kontra sa Marlins.

At sa tuluyang pagbabalik ni White sa laro ngayon matapos na patawan ng one-game suspension sanhi ng deliberate foul ay inaasahang higit na lalakas ang frontline ng Negros.

Sa unang laro, maghaharap naman ang Davao vs Cebu sa alas-3 ng hapon.

Show comments