^

PSN Palaro

Bronze medal kay Tanamor

-
Nakuntento lamang ang Team Philippines sa nag-iisang bronze medals noong Biyernes ng kapusin si Harry Tanamor sa kanyang rally sa semifinals bout ng World Amateur Boxing Championships dito.

Lumasap ang 19-anyos na si Tanamor, kuma-kampanya upang maduplika man lang ang best finish ng Philippines na silver medal ng 25-20 kabiguan sa mga kamay ng Romania’s na si Marian Velicu sa kanilang light flyweight bout matapos na maging mainit sa unang dalawang rounds.

"Sayang sir. Medyo naudlot ako sa unang dalawang round at nang maghabol na ako, tumakbo naman siya," pahayag ni Tanamor na bumagsak sa 7-17 deficit matapos ang dalawang rounds.

Nagawang makipagsabayan ni Tanamor sa third round upang ibaba ang kalamangan sa 18-22, ngunit hanggang dito na lamang ang kanyang nagawa nang magsimulang maglaro ng beteranong Romanian na nakarating sa quarterfinals ng Sydney Olympics noong nakaraang taon ng hide-and-seek game sa final round.

Ang iba pang miyembro ng fourman squad na ipinadala rito ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas Phils., ay para palakasin ang kanilang preparasyon para sa nalalapit na Southeast Asian Games .

Nakarating hanggang second round sina Violito Payla at Arlan Lerio, habang natalo naman sa kanyang unang laban si Anthony Igusquiza.

vuukle comment

ADIDAS PHILS

ANTHONY IGUSQUIZA

ARLAN LERIO

HARRY TANAMOR

MARIAN VELICU

PACIFIC HEIGHTS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SYDNEY OLYMPICS

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with