UP-Waterfront pasok sa finals
June 9, 2001 | 12:00am
Nagtala ang University of the Philippines-Waterfront ng isang klasikong panalo na walang cage team na nakagawa nito sa kasaysayan.
Nakalubog sa 19 puntos, umahon ang Hoteliers sa final canto nang magbaba ng 27-0 bomba upang itakas ang 69-61 come-from-behind na panalo kontra sa Regent Cheeseballs kahapon at okupahan ang ikalawa at nalalabing finals slot sa 1st Crystal Spring PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.
Bunga ng panalo, naitakda ng UP-Waterfront ang sudden death knockout match para sa korona ng PYBL kontra sa defending champion Boysen-MLQU ngayong alas-2 ng hapon.
Mapapalaban naman ang Cheeseballs sa konsolasyong ikatlong puwesto kontra sa University of the Assumption-Goldilocks sa alas-11 ng umaga.
Abante ang Regent ng 19 puntos sa 61-42 matapos ang tatlong quarters, ngunit nanlamig ang opensa ng Cheeseballs na dahilan upang di pumasok ang kanilang 19 pagtatangka sa final quarters na halos karamihan dito ay mula kay Rudy Espino at Rob Sierra na pawang pumaltos ang kani-lang pinakawalang mga tres.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended