Dinispatsa ng Boysen-MLQU ang University of Assumption, 69-63 sa kanilang crossover semis match kaha pon at hihintayin na lamang nila kung sino ang kanilang makakalaban para sa titulo.
Maghaharap pa ang Regent Cheese Balls at UP-Waterfront sa isa pang crossover semis match ngayong alas-12 ng tanghali upang malaman kung sino ang makakalaban ng Boysen-MLQU.
Naipuwersa ng UP-Waterfront ang sudden death match na ito matapos ang 69-64 pamamayani noong Martes kayat napakinabangan ng Regent ang kanilang natamong twice-to-beat advantage.
Naging tagapagligtas ng Paint Experts si Lito Saygo na umiskor ng mahahalagang free throws sa 7-0 produksiyon na nagselyo ng kanilang tagumpay.
Angat pa ang Assumption sa 63-62 matapos ang dalawang freethrows ni Roel Galura, 50.8 segundo ang nalalabing oras sa laro nang kumana si Saygo ng 3 free throws upang ihatid ang Boysen-MLQU sa 65-63 kalamangan.
Tuluyan nang nadiskaril ang Assumption nang mag-mintis si Santos sa sumunod na play at umiskor ng dalawang free throws si Rodel Mallari para sa panigurong 67-63 kalamangan ng Boysen-MLQU 27. 3 segundo na lamang ang oras sa laro.
May tsansa pa sanang makahirit ang Assumption, ngunit bigo naman si Santos sa kanyang attempt at isinelyo ni Marphil Limbo ang final score sa kanyang dalawang free throws.