Ang kampanya ng Muntinlupa ay binanderahan nina Rick Jayson Senales, Jeremiah de Castro, Erika Joy Ponciano, Adrian Mercado, Louie Frank Bawson, Jan Valerio, Jowel de Castro, Jennifer Enaje, Angelika Cirrela at Joanna de Castro.
Tinalo ni Senales si Jericho Licup ng Prokonya sa half-middle (-81 kilos); sinilat ni Jeremiah de Castro si Analon Tomayao ng Atleta Talisay sa lightweight (-57 kilos); pina-yukod ni Ponciano si Diane Natanawan ng PUP sa half-heavyweight (-23 kilos); sinupil ni Mercado si Matthew Tomagan sa lightweight (-23 kilos); pinabagsak ni Jan Valerio si Ran Avergonsada ng Pasig City sa lightweight (-48 kilos) at dinomina naman ni Frank Dawson ang middleweight (-45 kilos).
Nanguna naman sa panalo ng Atleta Talisay sina Jubert Malan, Anthony Tapalla, Lao-finley Jalwin, Kris Joy Frecho, Rufino Malan at Remelyn Benigay.
Tatlong ginto naman ang iniuwi ng Baguio bets mula kina Jonnelyn Abaya (extra-lightweight -48 kgs.); Estie Gay Liwanon (half-middleweight -63 kgs.) at Amor Brisley (middleweight -59 kgs.).
Humakot naman ang Bicol ng dalawang ginto.
Mahigit sa 78 male at female judokas mula sa ibat ibang koponan ang lumahok sa dalawang araw na event na ito na inorganisa ng Philippine Amateur Judo Association sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Capt. Rey Jaylo at may sanctioned ng Philippine Olympic Committee.