^

PSN Palaro

7 gold medal hinakot ng Muntinlupa City

-
Pitong ginto ang naibulsa ng Muntinlupa, habang umani naman ng anim ang Atleta-Talisay sa katatapos pa lamang na 2001 National junior and boys and girls judo championships na ginanap sa Pearl Plaza sa Parañaque City.

Ang kampanya ng Muntinlupa ay binanderahan nina Rick Jayson Senales, Jeremiah de Castro, Erika Joy Ponciano, Adrian Mercado, Louie Frank Bawson, Jan Valerio, Jowel de Castro, Jennifer Enaje, Angelika Cirrela at Joanna de Castro.

Tinalo ni Senales si Jericho Licup ng Prokonya sa half-middle (-81 kilos); sinilat ni Jeremiah de Castro si Analon Tomayao ng Atleta Talisay sa lightweight (-57 kilos); pina-yukod ni Ponciano si Diane Natanawan ng PUP sa half-heavyweight (-23 kilos); sinupil ni Mercado si Matthew Tomagan sa lightweight (-23 kilos); pinabagsak ni Jan Valerio si Ran Avergonsada ng Pasig City sa lightweight (-48 kilos) at dinomina naman ni Frank Dawson ang middleweight (-45 kilos).

Nanguna naman sa panalo ng Atleta Talisay sina Jubert Malan, Anthony Tapalla, Lao-finley Jalwin, Kris Joy Frecho, Rufino Malan at Remelyn Benigay.

Tatlong ginto naman ang iniuwi ng Baguio bets mula kina Jonnelyn Abaya (extra-lightweight -48 kgs.); Estie Gay Liwanon (half-middleweight -63 kgs.) at Amor Brisley (middleweight -59 kgs.).

Humakot naman ang Bicol ng dalawang ginto.

Mahigit sa 78 male at female judokas mula sa iba’t ibang koponan ang lumahok sa dalawang araw na event na ito na inorganisa ng Philippine Amateur Judo Association sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Capt. Rey Jaylo at may sanctioned ng Philippine Olympic Committee.

ADRIAN MERCADO

AMOR BRISLEY

ANALON TOMAYAO

ANGELIKA CIRRELA

ANTHONY TAPALLA

ATLETA TALISAY

DIANE NATANAWAN

ERIKA JOY PONCIANO

ESTIE GAY LIWANON

JAN VALERIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with