Pagpapatala para sa Milo Marathon sisimulan na
June 7, 2001 | 12:00am
Magsisimula na sa Biyernes ang rehistrasyon para sa pinakamalaki at mahabang karera sa bansa--ang Milo Marathon na nagdiriwang ng kanilang ika-25th anibersaryo para sa inaugural Metro Manila qualifying run na nakatakda sa Hunyo 24.
Matatagpuan ang sentrong patalaan para sa four-in-one event sa ground floor ng Vasquez Madrigal Plaza Bldg., Anapolis St. Ang Greenhills venue ang siyang karagdagang satellite registration centers na inilagay para sa mga benepisyo ng libu-libong runners na inaasahang lalahok sa naturang event.
At sa Linggo Hunyo 10, maaaring magpatala ang mga runners sa University of Life sa Pasig City sa kooperasyon ng organizers ng Pasig City Fun Run na nakatakda mismo sa araw na iyon.
At sa Hunyo 16, magtatakda rin ng registration center sa Quezon Circle na may tulong mula sa Runnex Club at PICC grounds sa Linggo Hunyo 17 kasabay ng Olympic Day fun run.
Ang registration fee ay P100 para sa full marathon, P75 para sa 10K run, P50 para sa 5K entries at P40 para sa kiddie run kung saan ang lahat ng mga finishers ay tatanggap ng finisher’s t-shirts at certificate of completion. Itinakda ang huling araw ng palistahan sa Hunyo 19.
Magsisimula ang 42K race sa alas-4:30 ng umaga, habang ang iba pang tatlong events ay pakakawalan sa ganap na alas-6 ng umaga, ayon kay national race organizer Rudy Biscocho.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended