FEU nanalo sa St. Francis

Naging matatag ang pulso ng Far Eastern University sa free throw line sa overtime upang itakas ang 80-72 panalo kontra sa St. Francis of Assisi College sa pagpapatuloy ng 2nd Asian University Basketball Championship sa Rizal Memorial Coliseum.

Pinangunahan ni Leo Avenido ang lahat ng scorers sa kanyang kina-madang 29 puntos, ngunit umagaw ng pansin si Mike Tolentino nang humakot ito ng apat na sunod na puntos sa extension period at six-of-six shooting sa foul line upang ihatid ang Tamaraws na siyang kasalukuyang Fr. Martin Cup titlists sa panalo.

Show comments