Guam binokya ng Pilipinas
June 2, 2001 | 12:00am
Nagpamalas ang National womens’s team ng matikas na porma upang hiyain ang Guam, 10-0 noong nakaraang Huwebes at maningning na buksan ang kampanya ng bansa sa Invitational Championships sa Ate-neo High School soccer grounds.
Pinangunahan ng beteranang striker na si Brenda Gayagoy ang pananalasa ng Pilipinas nang kumana agad ng apat na goals kontra sa limitadong Guamanians at iposte ang kanilang unang panalo sa event na ito na magsisilbing tune-up sa kanilang paglahok sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games sa Setyembre.
Dahil sa ipinakitang bangis ng RP Under-19 women’s team, nasorpresa ang kanilang mga kalaban lalona ang national team ng Singapore na nagtala ng 0-2 panalo sa iba pang laban.
Bukod kay Gayagoy, umiskor rin ng tigalawang markers sina Therese Ann Naungca at Rachelle delos Reyes, habang umiskor naman sina Karen Octavio at Katrina de Jesus ng tig-isang goals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended