Ward tagasalba ng Mobiline Phone Pals
June 1, 2001 | 12:00am
Inaasahang magiging tagapagsalba ng Mobiline Phone Pals ang isang Jerod Ward para sa kanilang kampanya sa PBA Commissioners Cup na nakatakdang magsimula bukas sa Balanga, Bataan.
Matapos pauwiin si Shawn Simpsons na hindi na ipinadala ng Phone Pals sa isinagawang sukatan ng imports ng PBA noong Martes, hindi nabigo ang Mobiline na kunin ang serbisyo ni Ward.
Si Ward na dati nang iniispatan ng Mobiline ay nakalista sa taas na 67, 27-gulang at nanggaling sa University of Michigan.
Nakatakdang umalis si Ward mula sa Los Angeles ng alas-8 ng gabi at inaasahan ang kanyang pagdating ngayon dito sa bansa.
Inaasahang susukatan si Ward bago sumabak ang Phone Pals kontra sa Barangay Ginebra sa Miyerkules at tiyak na makakasama na ito ng Mobiline sa kanilang ensayo sa alas-12 ng tanghali sa Sabado.
Si Ward ay kasamahan ni Kevin Freeman, ang import ng Tanduay Gold Rhum sa L.A. Stars sa American Basketball Association.
Nagdadalawang isip na kunin ni Mobiline coach Louie Alas ang naturang import dahil nabalitaan nitong nag-karoon ng injury.
"I thought he was injured," ani Alas."Pero may tumawag sa amin to inform us na okay na siya kaya kinuha namin."
Bukod kay Freeman, pumasa sa height limit na 68 ang siyam na imports na nagpasukat sa tanggapan ng PBA .
Pinakamataas ang balik-import na si Ansu Sesay ng Sta. Lucia na sinundan ng isa pang datihan na si Ryan Fletcher ng Barangay Ginebra.
Pinakamaliit naman ang baguhang si Juaquin Hawkins ng Shell Velocity sa taas na 64.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest