Ang koponan ay binubuo ng mga boksingerong sina Harry Tanamor, Violito Payla, Arlan Lerio at Anthony Igusquiza, coach Pat Gaspi, referee/judge Doy Vidal at ang delegation head ay si Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny T. Lopez na ang bansa ay magtatangka sa kauna-unahang medalya sa biennial event na ito.
Walang iba pang local boxers maliban kay Velasco, na nabigo sa Cubanong si Maikro Romero sa ginto sa Budapest, Hungary ang nakarating sa finals ng World Championships. Nagbulsa naman si Roel ng bronze medal sa Barcelona Olympics, (1992) at ang kanyang kapatid na si Onyok ang siya namang nakapag-uwi ng silver medal sa Atlanta Olympics (1996) at nagretiro na mula sa ring at ngayon ay siya ng mentor ng RP womens boxing team.
Magpapakita ng aksiyon ang Team Philippines na ang kanilang biyahe ay suportado ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights at Adidas Phils., sa Hunyo 2-10 sa Belfast, Ireland kung saan sasabak ang mga mahuhusay na amateur boxers sa buong daigdig para sa karangalan sa 12 weight classes.
Sasabak sa aksiyon si Tanamor sa lightflyweight division (48 kgs.), habang makakaharap naman ni Payla, gold medalist sa nakaraang Balado Memorial Cup sa Cuba sa flyweight (51 kg.), at Lerio ay aakyat sa ring sa bantamweight (54 kg.) at mapapalaban ang beteranong si Igusquiza sa lightweight division (60 kg.)
Ang World Championships ang siyang ikatlong tournament at ang ikaapat na tournament ay ang Acropolis International Championships sa Athens, Greece sa Hunyo 13-20 kung saan panibagong 12-man squad ang kanilang isasabak.