^

PSN Palaro

Huling tiket sa semis nakuha ng Assumption

-
Nanaig ang galing ng University of Assumption-Goldilocks nang maungusan nila ang Spring Cooking Oil sa isang mahigpit na salpukan kahapon sa iskor na 68-65 upang maokopahan ang hu-ling ticket sa semifinals sa pagtatapos ng quarterfinal round ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.

Simula pa lang sa unang canto ay kapwa naglabas na ng mahigpit na laban ang dalawang koponan kung saan nagtala ng 12 puntos na kala-mangan ang Cake Experts, 28-16 na agad din namang binawi ng Oilers sa pagbubukas ng second quarter nang gumawa ito ng 20-5 atake upang itala ang 3 puntos na lamang, 36-33.

Subalit naiselyo ng Cake Experts ang kanilang pangunguna sa magkasunod na basket sa pagsasara ng naturang quarter.

At sa third canto, higit pang nag-init ang mga kamay ng Cake Experts nang kanilang palobohin ang kalamangan sa 56-48 sa pangunguna ni Welihado Duyag na nagtala ng 18 puntos at 11 rebounds. (Ulat ni Carol Fonceca)

vuukle comment

CAKE EXPERTS

CAROL FONCECA

CRYSTAL SPRING

MAKATI COLISEUM

NANAIG

SPRING COOKING OIL

SUBALIT

TITLE CUP

UNIVERSITY OF ASSUMPTION-GOLDILOCKS

WELIHADO DUYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with