^

PSN Palaro

Kampanya ng RP Archers nangulimlim

-
WONJU CITY, Kangwon-do Province, South Korea -- Matapos ang impresibong performance sa unang araw ng hostilidad noong Linggo sa Olympic Round, nangulimlim naman kahapon ang kam-panya ng bansa sa Wonju Archery Field dito.

Ito’y makaraang isa-isang masibak ang apat na Pinay sa women’s recurve individual event ng 4th Korea International Archery Tournament kung saan ang unang set ng mga medalya ay napana lahat ng host country.

Nasilat si Sydney Olympian Jennifer Chan sa kalabang si Sutt Xi Monredee ng Malaysia, pang 119th sa world-ranking, 145-144 sa first round sa kanilang knockout o head-to-head matches sa 70-metrong distansiya.

Di rin umubra ang bagitong si Abbigail Tindugan na nasa kanyang kauna-unahang international exposure nang makaharap ang highest-rank na si world No.19 Ukrainian Kateryna Serdiuk, 128-166.

Maging si Purita Joy Marino, ang kasalukuyang highest rank na Pinay sa FITA (International Archery Federation) na nasa 86th ay yumukod din sa kalabang world No. 35 Mayumi Asano ng Japan, 146-154.

Di rin nakaligtas ang isa sa inaasahan ng bansa na makapag-uuwi ng medalya na si Adelinda Figuerroa, ang world No. 125 at 1998 US Open intermediate champion nang yumukod ito sa 24th world-ranked Elena Sadov-nycha ng Ukraine sa iskor na 147-156.

Gayunman, nananatili pa ring may laban ang mga Pinoy na ang biyahe nila ay sinagot ng Philippine Sports Commission (PSC) sa men’s individual recurve at dalawang kompetisyon sa team event.

Sinungkit ng Korean ang unang tatlong medalyang pinag-agawan ng 29 bansa sa torneong ito na magsisilbi ring 2nd round ng 2007 Asian Circuit at world ranking event.

ABBIGAIL TINDUGAN

ADELINDA FIGUERROA

ASIAN CIRCUIT

ELENA SADOV

INTERNATIONAL ARCHERY FEDERATION

KOREA INTERNATIONAL ARCHERY TOURNAMENT

MAYUMI ASANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with